Kasunduan laban sa smuggling nilagdaan
MANILA, Philippines – Inaasahan ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Undersecretary Antonio Villar Jr. na lalong lalakas ang pakikiisa ng mga negosyante sa paglaban sa smuggling sa bansa matapos lumagda ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry at Federation of Philippine Industries sa isang kasunduan.
Sinabi ni Villar na ang kasunduan ay lalong magpapalakas sa kampanya ng gobyerno laban sa mga smugglers na tinuturing na mga “goliath”.
Nakasaad sa kasunduan na magtatalaga ng kanilang kinatawan ang FFCCCII at FPI sa PASG upang ma-monitor nito ang lahat ng operasyon ng ahensiya laban sa smugglers.
Ang kasunduan ay nilagdaan nina Villar, FPI President Jesus Aranza at FFCCCII President Alfonso Uy. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending