^

Bansa

Anti-SONA critic 'nanunuhol' daw

-

MANILA, Philippines – Tahasang tinanggihan ng pederasyon ng 60,000 non-government organizations na Balikatan People’s Alliance ang alok na pera ng mga kritiko ng pamaha­laan para sumama sila sa kilos-protesta laban sa State-of-the-Nation Address ni Pangulong Gloria Arroyo sa susunod na Lunes.

Sinabi ni Balikatan Chairman Louie Balbago na ginawa ang alok sa kanilang mga miyembro sa Pa­rola, Tondo, Manila noong weekend ng mga lalaking ki­lala nilang miyembro o sumusuporta sa mga maka-kaliwa o maka-Komunistang organisasyon.

Bawat isa anya ay inalok ng P250 at meryenda sumama lang sa rally.

“Agad na tinanggihan ng aking mga miyembro ang alok at pinaalam ito sa akin. At tahasan kong sinasabi ngayon na hindi sasama ang Balikatan sa mga kilos-protesta sa SONA o sa anumang hakbang laban sa Pangulo sa hinaharap,” sabi ni Balbago. (Butch Quejada)


BALBAGO

BALIKATAN

BALIKATAN CHAIRMAN LOUIE BALBAGO

BALIKATAN PEOPLE

BAWAT

BUTCH QUEJADA

KOMUNISTANG

PANGULO

PANGULONG GLORIA ARROYO

STATE-OF-THE-NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with