10 Pinoy patay sa chopper crash sa Afghanistan

MANILA, Philippines – May 10 overseas Filipino workers ang sina­sa­bing kabilang sa 16 katao na nasawi matapos na bu­magsak ang sinasak­yan nilang helicopter sa pina­ka­malaking base ng North Atlantic Treaty Organization sa Afghanistan noong Linggo.

Batay sa ulat na naka­rating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs, bukod sa 16 na nasawi, li­mang katao pa ang suga­tan sa naturang trahedya.

Ang mga biktima ay sakay ng M1-8 civilian transport helicopter nang bumagsak ito noong Ling­go sa southern Kandahar Air Field sa Afghanistan.

Ang mga sugatan ay sinasabing kasalukuyang ginagamot sa NATO base.

Sa mga paunang ulat, sinasabing ang mga Pili­pino ay pawang mangga­gawa ng Fluor Company ngunit tumanggi naman itong magbigay ng anu­mang impormasyon hing­gil sa aksidente.

Sinasabing patungo sana ang helicopter sa Spin Buldak, ang border city sa pagitan ng Afgha­nis­tan at Pakistan, kung saan ipapa­dala ang mga mangga­ga­wang Pilipino nang maga­nap ang aksi­dente.

Gayunman, ilang mi­nuto pa lamang matapos na mag-take off ang civilian helicopter sa Kandahar ay bigla itong nagliyab malapit sa runway at tuluyang bu­magsak.


Show comments