^

Bansa

Panlilio may tulog sa 2010 - Archbishop Cruz

-

MANILA, Philippines - May ‘tulog’ umano sa pampanguluhang halalan si Pampanga Governor Ed Panlilio dahil bukod sa kulang sa makinarya ay hindi nito nililigawan ang mga local na opisyal ng lalawigan para suportahan siya.

Ito ang paniniwala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, sa kanyang komento hinggil sa pagdedeklara ni Panlilio na iiwan ang pagiging pari para sa pagtakbo sa pa­giging Pangulo ng bansa.

Pinayuhan ni Arch. Cruz si Panlilio na itigil ang ambisyong tumakbo sa pagkapangulo sa 2010 dahil tiyak na maliit ang tsansa nitong manalo.

Inihalimbawa ni Cruz ang naging panalo ni Panlilio sa nakalabang si Lilia Pineda, na napakaliit lamang umano o nakala­mang lamang ng 1,147 na boto.

Pinayuhan din ni Cruz si Panlilio na humingi muna ng pormal na dispensation o exemption sa Rule ng Simbahang Kato­liko bago tuluyang suma­bak sa kaniyang kandi­datura.

Iginiit pa ni Cruz na walang matatawag na ‘priest on-leave’ kaya hindi umano dapat igiit ito ni Panlilio at mas tamang sabihin na ‘suspendido’ ito sa pagiging pari upang hindi na makapag-administer ng misa o sakra­mento.

Nilinaw naman ni Cruz na kung pagbibigyan ng dispensation si Panlilio ay mananatiling pari pa rin ito sa kabila ng katungkulan sa pulitika.

Kasabay nito, nadis­maya naman si San Fer­nando, Pampanga Archbishop Paciano Aniceto na tuluyan ng iiwan ni Panlilio ang kanyang pagkapari at sasabak na sa politika.

Ipinaliwanag ni Aniceto na posibleng magdulot ng kalituhan sa mga taong Simbahan ang naging pasya ni Panlilio dahil tiyak na malalayo na ito sa ori­hinal na misyon na maging pari at maglingkod sa Sim­­bahan at mamama­yan. (Ludy Bermudo/Mer Layson)

vuukle comment

CRUZ

LILIA PINEDA

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

LUDY BERMUDO

MER LAYSON

PAMPANGA ARCHBISHOP PACIANO ANICETO

PAMPANGA GOVERNOR ED PANLILIO

PANLILIO

PINAYUHAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with