^

Bansa

DOH secretary tinamaan ng flu

-

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagkaka-expose sa iba’t-ibang uri ng virus, partiku­lar na ang swine flu o AH1N1, maging si Health Secretary Francisco Du­que III ay itinum­ba na rin ng sakit.

Ayon sa ulat, ang ka­lihim ay tinamaan na ng common flu at ngayon ay nagsasagawa ng medi­kasyon upang mapalakas ang immune system at labanan ito.

Gayunman, agad nili­naw ni Duque sa isang panayam sa radyo na hindi niya kailangan na maisailalim sa quarantine dahil hindi naman aniya ito ang kinatatakutang AH1N1 virus.

Samantala, sinabi ni Duque na hanggang sa ngayon ay sinusuri pa rin ng Department of Health kung ano ang tunay na ikinamatay ng 43-anyos na guro sa Muntinlupa matapos na mapaulat na ito ay nasawi at nagposi­tibo sa swine flu.

Aniya, may natanggap silang balita na may sakit na tumor ang naturang guro bago pa man madis­kubreng ito ay may taglay na swine flu.

Sa datos ng DOH, 2,668 kaso ng swine flu sa bansa hanggang noong July 9, 2009 at tatlo ang naiulat na namatay dito na kinabibila­ ngan ng isang kawani ng Kongreso, 73-anyos na lalaki at 19-anyos na dala­ga. (Mayen Jaymalin)

vuukle comment

ANIYA

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DUQUE

GAYUNMAN

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DU

KONGRESO

MAYEN JAYMALIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with