Santo Papa na-ospital
July 18, 2009 | 12:00am
MANILA, Philippines - Nadulas umano at bumagsak si Pope Benedict XVI habang nagbabakasyon sa Alps sanhi upang dalhin ito sa isang pagamutan sa northern Italy.
Sa pahayag ni Vatican Spokesman Federico Lombardi na nakarating sa tanggapan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bagamat nadulas at nasaktan ang Santo Papa ay hindi naman malala ang kondisyon nito.
Dinala lamang ito sa pagamutan sa bayan ng Aosta noong Biyernes para masuri ng mga doctor matapos ang naturang aksidente. (Mer Layson)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest