Pumatay sa Pinoy couple sa US, huli na
MANILA, Philippines - Naaresto na ng Rockford Police ang isang African-American na sinasabing pumatay sa mag-asawang Pinoy nang pasukin at pagnakawan ang mga ito sa loob ng kanilang tahanan sa Illinois, USA noong Miyerkules.
Kinilala ng Rockford Police ang suspek na si Omarrian T. Jones, 24, ng 2029 23rd Avenue, Rockford, Illinois.
Si Jones ay naaresto ng mga sumalakay na 24 pulis at K-9 units sa pinagtataguan nito sa 2029 23rd Avenue, Rockford.
Sinampahan na rin ng ka song two counts of first degree murder si Jones dahil sa pagpatay sa mag-asawang Reynato Cardino, 77 at Leticia, 74 bunga ng pamamalo at pambubugbog.
Nakaligtas naman sa tiyak na kapahamakan ang anak ng mag-asawang Cardino na si Reyle,51, na bumisita lamang sa kanyang magulang at natuklasan ang krimen, matapos na siya ay bugbugin ng nasabing suspek. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending