'Isang' patuloy na nagbabanta sa Hilagang Luzon

MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Isang sa Hilagang Luzon.

Sa latest forecasting ng PAGASA, alas-11 ng uma­ga kahapon, si Isang ay na­mataan sa layong 100 kilo­metro silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan

Taglay nito ang pinaka­ malakas na hanging 85 ki­lo­metro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 100 kilometro bawat oras.

Signal no. 2 sa Batanes, Caga­yan, Babuyan Group, Cala­yan Group, Isabela, Kali­nga, Apayao, Abra at Ilo­cos Norte.

Signal no. 1 naman sa Northern Aurora, Quirino, Nue­va Vizcaya, Ifu­gao, Ben­guet, Mt. Province, Pangasinan, La Union at Ilocos Sur.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga resi­denteng nakatira sa na­banggit na lugar na mag-ingat at ugaliing mapag­ masid sa paligid para ma­kaiwas sa banta ng flash­floods at landslides.

Ngayong Sabado, ina­asahang nasa layong 230 km ng hilaga hilagang kan­luran ng Laoag City o 140 km ng kanluran timog kan­luran ng Basco, Batanes.

Ang nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay makakara­nas ng mga pag-uulan dulot ng epekto ng monsoon rains. (Angie dela Cruz)

Show comments