'Isang' patuloy na nagbabanta sa Hilagang Luzon
MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Isang sa Hilagang Luzon.
Sa latest forecasting ng PAGASA, alas-11 ng umaga kahapon, si Isang ay namataan sa layong 100 kilometro silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan
Taglay nito ang pinaka malakas na hanging 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 100 kilometro bawat oras.
Signal no. 2 sa Batanes, Cagayan, Babuyan Group, Calayan Group, Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte.
Signal no. 1 naman sa Northern Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Benguet, Mt. Province, Pangasinan, La Union at Ilocos Sur.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na lugar na mag-ingat at ugaliing mapag masid sa paligid para makaiwas sa banta ng flashfloods at landslides.
Ngayong Sabado, inaasahang nasa layong 230 km ng hilaga hilagang kanluran ng Laoag City o 140 km ng kanluran timog kanluran ng Basco, Batanes.
Ang nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay makakaranas ng mga pag-uulan dulot ng epekto ng monsoon rains. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending