^

Bansa

Teodoro, Recom mangunguna sa nationwide earthquake drill

-

MANILA, Philippines – Pangungunahan ngayong araw nina Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echi­verri at Secretary of National Defense at National Disaster Coordinating Council (NDCC) Chair Gilberto C. Teodoro Jr. ang 3rd Quarter Nationwide Earthquake Drill.

Ang pagsasanay ay gaganapin ng alas-9 ng umaga sa Caloocan High School sa 10th Avenue. Ito ay pagtugon sa direktiba ni Pangulong Gloria Arroyo na dapat na magsagawa ng nationwide earthquake drill sa mga paaralan para makita ang kahandaan ng mga estud­ yante, guro at kawani ng paaralan sa panahon ng kalamidad.

Kabilang sa drill ang pagtunog ng malakas ng bell at ceremonial button at saka isasagawa ang duck cover and hold drill kung saan kailangan na maghanap ang mga estudyante ng matibay na pag­tataguan at iwasan ang mga bumabag­sak na bagay. Ito ay batay sa 7.2 magnitude na lindol. Kasama din dito ang pag-apula ng apoy ng mga kagawad ng Bureau of Fire Protection mula sa nasusunog na gusali at pagtulong sa mga sugatan.


BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CALOOCAN HIGH SCHOOL

CHAIR GILBERTO C

ECHI

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PANGULONG GLORIA ARROYO

SECRETARY OF NATIONAL DEFENSE

TEODORO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with