MANILA, Philippines – Balik-trabaho na kahapon si Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno matapos ang 2 ling-gong bakasyon nito para magtungo sa Estados Unidos.
Itinanggi din ni Sec. Puno na sumailalim siya sa heart operations sa Amerika kaya ito nagtungo sa US. Nilinaw ni Puno na kaya siya nagtungo sa Amerika ay upang dumalo sa kasal ng kanyang anak na babae noong July 4.
Nagbakasyon si Puno ng 2 linggo at itinalaga ni Pangulong Arroyo bilang OIC ng DILG si DPWH Sec. Hermogenes Ebdane Jr. (Rudy Andal)