MANILA, Philippines - Ipinoposisyon na ng Masikap Class 78 ng Philippine Military Academy ang kanilang sarili bilang susunod na maimpluwensyang grupo sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Ilang miyembro ng Class 77 ang nagsabing hindi nila papayagan ang mga miyembro ng Class 78 na makuha ang matataas na posisyon sa AFP at PNP.
Ayon sa ilang sour ces, masama umano ang loob ng ilan sa Class ’77 dahil mas napapaboran ang mga graduates ng Class ’78 kung saan adopted nito si Pangulong Arroyo.
Isang miyembro ng Class 77 na may sensitibong posisyon sa AFP ang nagsabing hindi sila papayag na maitsapuwera. Meron anya silang mga kuwalipikadong opisyal na maaaring pumalit sa mga magreretirong upperclassmen.
Isa pang miyembro ang nagsabing naghihintay lang sila ng tamang panahon para sila mapakinggan.
Sinabi pa niya na ginugulo umano ng Class 78 ang mga tradisyon sa PMA at ang liderato ng militar at pulisya.
Nadedemoralisa na rin umano ang ilang miyembro ng Class 78 dahil sa awayan ng mga kapwa mistah. (Joy Cantos/Butch Quejada)