Nobyembre 20, filing na ng Certificate of Candidacy

MANILA, Philippines - Simula sa Nobyembre 20 ay maaari nang maka­pag­sumite ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga nais na tumakbo sa  nalalapit na national election sa 2010. Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sar­mien­to, puwede nang mag-under oath ang sinumang sasabak sa 2010 para sa party-list, local at national posts.

Ipinaliwanag ni Sarmiento na itinakda ng mas ma­aga ang filing ng COC upang mabigyan ng sapat na panahon ang komisyon na makagawa ng paper ballots na gagamitin naman sa automated elections.

Itinakda naman mula Pebrero 9 hanggang Mayo 8, 2010 ang kampanya para sa pagka-presidente, bise presidente, senador at partylist groups habang mula Marso 26 hanggang Mayo 8, 2010 ang panga­ngam­panya ng mga kandidato sa Kongreso, city at municipal positions.

Ang botohan sa bansa ay isasagawa sa Mayo 10, 2010, election day, mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi habang itinakda naman ang botohan para sa overseas absentee voters (OAV) mula sa Abril 10, 2010 (host country time) at hanggang 3:00 ng hapon ng Mayo 10, 2010 (Philippine time). (Doris Franche/Mer Layson)

Show comments