^

Bansa

Mga hayop sa bulkang Mayon naglalabasan na

-

MANILA, Philippines - Naglabasan na sa kani-kanilang mga lungga at nag­ sibabaan ng bundok ang mga hayop malapit sa bulkang Mayon na posibleng maging indikasyon umano ng napipintong pagsabog ng bulkan.

Ayon kay Ed Laguerta ng Phivolcs-Albay, ang masangsang na amoy na kanilang nalalanghap o ang sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan na nagdudulot ng hirap nila sa paghinga ang dahilan kaya lumalayo ang mga hayop sa lugar.

Anya, naglabasan na ng kanilang mga lungga ang mga hayop katulad ng ahas, mga ibon, usa, baboy damo at iba pa dahil naka­raramdam na ng sobrang init sa kanilang paligid ang mga ito at naghahanap ng ibang malilipatan.

Sa pinakahuling obserbasyon ng Phivolcs, kitang-kita na ang crater glow ng bulkang Mayon o ang nagbabagang bunganga nito.

Nilinaw naman ni Phivolcs director Renato Solidum na wala silang inirerekomendang paglilikas o evacuation sa mga residente.

Nananatili aniyang nasa alert level 2 ang Mayon at patuloy ang implementasyon ng 6 km permanent danger zone habang sa south east sector ng bulkan ay ang pagpapairal ng 7km danger zone. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANYA

AYON

CRUZ

ED LAGUERTA

MAYON

NAGLABASAN

PHIVOLCS

RENATO SOLIDUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with