^

Bansa

Pinoy couple minasaker sa US

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Pinatay ang isang mag-asawang Pinoy ng hindi pa kilalang suspek matapos na pagnakawan ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Ame­rika nitong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Sa report ng Winne­bago county coroner’s office, nakita ang mag-asa­wang Pinoy na sina Rey­nato Cardino, 77 at asa­wang si Leticia, 74, na kap­wa duguan sa loob ng ka­nilang bahay sa Pleasant View Avenue, Rockford, Illinois bunga ng matinding mga palo at bugbog.

Humingi ng tulong sa 911 ang kapit-bahay ng mag-asawang Cardino ng makita ang anak ng mga ito na si Reyle, 51 na na­kahandusay sa harap ng kanilang bahay.

Sinabi ni Reyle sa Rockford Police na bigla na lang siya inatake ng di kilalang suspek na nasa edad 20-anyos, may taas na 6 ft. at hinihinalang isang African-American. Nagtamo ng malalalim na sugat si Reyle ngunit agad naman na nadala sa pinakamalapit na ospital.

Sa pagsisiyasat ng Rockford Police, posib­leng pagnanakaw ang motibo ng suspek kaya nito pinatay ang mga biktima. Bunsod nito’y inalerto ng pulisya ang mga residente dito, lalo na ang mga mata­ tan­dang walang ibang ka­sama sa kanilang bahay na tiya­king nakakandado ang pinto ng mga bahay dahil target ng mga mag­nana­kaw na pasukin ang mga tulad ng mga biktima dahil mahihina na ang mga ito at di na makakalaban.

Ang brutal na pagpa­tay sa mag-asawang Car­dino ay ang kauna-una­hang insidente na naga­nap sa Rockford.

Sila ay nakatakdang ilibing sa Scandanavian Cemetery sa Rockford.

vuukle comment

AFRICAN-AMERICAN

CARDINO

PINOY

PLEASANT VIEW AVENUE

REYLE

ROCKFORD

ROCKFORD POLICE

SCANDANAVIAN CEMETERY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with