Transport group naglabas ng manifesto para kay Teodoro

MANILA, Philippines – Isang manifesto ng pagsuporta sa pagkandi­dato ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa hala­lang pampanguluhan ang inihayag ng Unified Patriotic Transport Organization of the Philippines nang maging panauhin siyang pandangal sa asamblea ng UPTO sa Quezon City kamakailan.

Sinabi sa manifesto na, sa lahat ng mga presi­dentiable, si Teodoro la­mang ang may kuwalipi­kasyon, pag-uugali at ka­kayahan upang maging mabuting pangulo ng bansa.

Sinabi naman ng kali­him sa kanyang talumpati na kasama sa mga prob­lemang kanyang pinag-aaralang matugunan ang hinggil sa transport sector.

Sa kaugnay na ulat, inilunsad kahapon ng mga staff at supporter ni Teodoro ang cyber space campaign para sa kan­yang kandidatura.

Sinabi ng isa sa mga bumuo sa website na si JC Perlas na, tulad ng tagum­pay ni Barack Oba­ma sa eleksyon sa Esta­dos Uni­dos noong naka­raang taon, umaasa si­lang mang­­yayari rin ito kay Teodoro sa pama­ ma­gitan ng internet. (Butch Quejada at Joy Cantos)


Show comments