^

Bansa

Rizal Park itatayo sa Australia

-

MANILA, Philippines - Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan, isang parke na naka­pa­ ngalan sa pamban­sang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal, ang nakatak­dang itatag sa New South Wales sa Australia.

Nabatid kay Philippine Consul General Eva Be­tita na isinagawa na ang groundbreaking cere­mony na senyales nang pagsi­simula ng kons­truksyon ng Rizal Park na itatayo sa may 2.6 hek­taryang lupain sa Camp­bell.

Ayon kay Betita, si­nabi umano ni Campbell Town Mayor Russel Ma­theson na ang naturang parke ay bilang pagkilala sa kaba­ yanihan ni Rizal.

Layunin rin umano nito na ipakita ang isang matatag na Filipino Australian community sa Camp­bell na may 4,000 resi­dente.

Simula pa noong 1988 ay kinikilala na ang natu­rang lupain bilang Rizal Park ngunit ngayon pa lamang pasisimulan ang pagtatatag ng parke ma­tapos na maipalabas na ng pamahalaan ang pondo para rito.

Inaasahang magta­tayo ng playground, walk paths, mga streetlight, barbeque pits, mga silu­ngan at toilet facility sa naturang parke.

Inaasahang maku­kum­pleto ang pagtatayo ng parke sa loob ng su­sunod na tatlong taon. (Mer Layson)


vuukle comment

AYON

CAMPBELL TOWN MAYOR RUSSEL MA

DR. JOSE RIZAL

FILIPINO AUSTRALIAN

INAASAHANG

MER LAYSON

NEW SOUTH WALES

PHILIPPINE CONSUL

RIZAL PARK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with