Odchimar, bagong CBCP president
MANILA, Philippines - Nahalal na bagong pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) si Bishop Nereo Odchi mar ng Tandag, Surigao del Sur na dating bise presidente ng CBCP kung saan papalitan nito si outgoing CBCP President Archbishop Angel Lagdameo ng Jaro, Iloilo.
Nabatid na si Odchimar, na naging kontrobersiyal matapos na mapaulat na nakipagkita kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bago ang CBCP election, ay nahalal sa pwesto matapos na makuha ang majority ng boto ng mga Obispo mula sa 86 na diocese ng Simbahang Katoliko sa bansa.
Sa Disyembre 1 ng taon pormal na uupo sa pwesto si Odchimar para bigyang daan ang kumpletong dalawang terminong panahon ni Lagdameo.
Nakasaad sa CBCP rules na tig-dalawang termino lamang o katumbas ng apat na taon ang panahong nakaluklok sa pwesto ang presidente at bise presidente ng CBCP habang ang iba pang mga opisyal o chairmen ay mayroong hanggang limang termino o katumbas naman ng 10 taon.
Samantala, nahalal namang bagong bise presidente ng CBCP si Palo, Leyte Archbishop Jose Palma kapalit ni Odchimar. (Doris Franche/Mer Layson)
- Latest
- Trending