CARP extension sa Agosto 8 pipirmahan

MANILA, Philippines - Sa susunod na buwan na lalagdaan ni Pangu­ long Gloria Arroyo ang pagpa­palawig sa Comprehensive Agrarian Reform bill na itataon sa Agosto 8 para gunitain rin ang ginawang pag­lagda ni dating Pa­ngulong Diosdado Maca­pa­gal sa Republic Act 3844 o Agricultural Land Reform Code noong Agos­to 8, 1963.            

Nangako ang Kongre­so sa isinagawang Legislative-Executive Development Advisory Council Meeting noong Hunyo 11 sa Mala­cañang na rara­tipikahan ang pinagsa­mang bersiyon ng Senado at House of Representatives ng social justice bill na sinertipika­hang “urgent” ng Pangulo.

Noong 1988, naisaba­tas ang Comprehensive Agrarian Reform Law or CARL na naging daan upang maging sarili ng mga magsasaka ang mga lu­pang kanilang sinasaka.

Pero nagtapos ang na­sabing batas noong Dis­yembre 2008 kaya isang ba­gong panukala ang ini­hain upang mapalawig ito.

Sa sandaling malag­daan ng Pangulo, ang na­sa­bing batas ay palala­wigin pa sa susunod na 10 taon.

Aabot pa umano sa dalawang milyong ektarya ng lupain ang isasailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program kung saan nasa dalawang mil­yong magsasaka ang ma­kikinabang.

Ayon sa Malacañang, nasa apat na milyong mag­sasaka na ang naki­na­bang sa CARP simula noong 1988. (Malou Escudero)


Show comments