Bayong mas 'in' ngayon

MANILA, Philippines - Ipatatangkilik ng Department of Trade and Industry ang paggamit ng bayong bilang pamban­sang “bag” dahil sa patuloy na pagtaas ng demand nito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ayon kay DTI Under­secretary Merly Cruz, lu­maki ang demand ng ba­yong mula sa mga kata­bing bansa sa Asia, Euro­pa at Estados Unidos dahil na rin sa pag-iwas sa pag­gamit sa mga plastic bags na sumisira sa kalikasan.

Bunsod nito, umaasa ang DTI na magmumula sa Pilipinas ang malaking bulto ng supply nito para i-export sa ibang bansa dahil na rin sa pulido at matibay na pagkakayari nito. Kaya naman posib­leng ang bayong na ang maging kapalit ng mga plastic bags na ginagamit ng mga tindahan at malls.

Sa ngayon ay nakiki­pag-ugnayan na ang DTI sa mga kooperatiba, iba’t-ibang organisasyon at mga negosyante sa bansa na gumagawa ng bayong para makapagbigay ng sa­pat na supply sa merkado.

Hihilingin pa ng DTI sa Department of Education na isama bilang bahagi ng Home Economics subject ang paggawa ng bayong dahil isa ito sa maaaring maging trabaho sa mga barangay. Ang mga ba­yong na mula sa Pilipinas ay matitibay dahil na rin aniya sa yari ang mga ito sa buri o dahon ng ana­haw. (Lordeth Bonilla)

Show comments