MANILA, Philippines - Isang kasunduan ang lalagdaan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) at Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) upang lubusang labanan ang smuggling.
Ito ang napagkasunduan sa pulong nina PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr. at FFCCCII president Alfonso Uy gayundin ang mga opisyal ng Federation of Philippine Industries (FPI).
Sinabi ni Usec. Villar, napagkasunduan ng PASG at FFCCCII na pagtulungang wasakin ang smuggling activities sa bansa gayundin ang ginagawang extortion ng nagpapanggap na miyem bro ng PASG.
“We are now in the process of finalizing the contents of the MOA. We will come out with an organized plan to help each other in ferreting out smugglers to protect the local industries and at the same time shield the Filipino-Chinese traders from impostors or possible bad eggs in the PASG that will extort money from them,” wika pa ni Jesus Arranza, pangulo ng FPI.
Nakasaad din sa Memorandum of Agreement na magtatakda ng kinatawan sa PASG ang FFCCCII upang bantayan ang mga aktibidad nito.
Idinagdag pa ni Aranza, ramdam na ramdam ng mga smugglers ang ginagawang paglaban ng PASG sa smuggling. (Rudy Andal)