^

Bansa

'Gunman' ni Ninoy at Galman patay na

-

MANILA, Philippines - Patay na ang sunda­long bumaril kay Rolando Galman,  at umano’y “gun­man” din ni dating Senador Benigno Aquino.

Si Sgt. Rolando de Guzman ay namatay ma­tapos itong ma-stroke sa edad na 57 sa East Avenue Medical Center.

Personal na nakira­may at dinalaw kahapon ni Public Attorney Office (PAO) Chief Persida Acos­ta ang mga labi ni  de Guzman na kasalukuyang nakaburol sa Barangay 604 Sta. Mesa, Maynila, subalit ano mang araw mula ngayon, ang mga labi ay dadalhin sa kanilang lalawigan sa Pangasinan.

Si de Guzman, sa tu­long ng PAO ay nakalaya mula sa NBP  noong Peb­rero 6, 2009 sa pamama­gitan ng commutation.

Matagal na itong may­roong ‘severe hypertension’ at apat na ulit ng stroke at nanatili sa NBP hospital noong nakapiit pa ito.

Matatandaan na si de Guzman ay isa sa 15 sundalong nasangkot sa Aquino-Galman double murder case noong August 21,1983.

Bukod kay de Guz­man, una ng namatay sina dating Brig. General Lu­ ther Custodio, Sgts. Cor­dova Estello at Mario La­zaga. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

CHIEF PERSIDA ACOS

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GEMMA AMARGO-GARCIA

GENERAL LU

GUZMAN

MARIO LA

PUBLIC ATTORNEY OFFICE

ROLANDO GALMAN

SENADOR BENIGNO AQUINO

SHY

SI SGT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with