Presyo ng tinapay 'di na tataas

MANILA, Philippines - Wala ng dapat pang ipangamba ang publiko dahil iniatras na ng Philippine Association of Flour Millers (PAFM) ang planong pagtataas ng harina kaya hindi na rin tataas ang presyo ng tinapay.

Sinabi ni PAFM Executive Director Ric Pin­ca, hindi na ipapataw ang P20 na dagdag sa kada sako ng harina dahil tini­yak na ng Department of Trade and Industry na iiral pa rin ang Executive Order 765 ni Pangulong Gloria Arroyo na nagba­basura sa 3% tari­pa sa kada sako ng trigo na kanilang inaangkat.

Bunsod nito’y hindi na makakapaningil ng 3% taripa ang Bureau of Customs na ikinagalak na­man ng PAFM at Philippine Bakers Association dahil hindi na rin nila kailangan na magtaas ng presyo ng tinapay baga­ma’t tumaas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas na ginagamit sa pagluluto ng tinapay.

Ayon naman kay PBA Vice President Chito Cha­vez, handa na silang bali­katin ang ginawang pag­taas ng LPG para sa ka­nilang mga consumers. Aniya, hindi sila agad nakakapagtaas ng presyo ng tinapay dahil na rin sa pangambang wala ng tumangkilik dito dahil maraming alternatibng pagkain bukod sa tinapay. (Lordeth Bonilla)

Show comments