^

Bansa

Walang atrasan!

- Ni June Trinidad -

MANILA, Philippines - Wala nang atrasan ang pagsabak ni Jesus Is Lord (JIL) Church leader Bro. Eddie C. Villanueva sa 2010 presidential elections.

Diretsahang sinabi kahapon ni Bishop Leo Alconga, executive committee member ng Ba­ngon Pilipinas Party, na si Bro. Eddie ang ilalaban ng partido bagama’t wala pang pagpapasiya ang huli para sa kanyang kan­didatura dahil hinihin­tay pa umano nito ang go signal ng Diyos na kanyang “Commander-in-Chief.”

Sa kanyang pagbisita kahapon sa tanggapan ng STAR Group of Publications, sinabi ni Bro. Ed­die na kinukunsidera niya ang kanyang pagtakbo bilang pangulo kung han­da na ang taumbayan para sa tunay na reporma sa bansa.

Inilahad din ni Bro. Eddie na mayroon na silang shortlist ng magi­ging vice president pero hindi nito binanggit kung kasama sa listahan sina Pampanga Governor Ed Panlilio at El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa mga pagpipilian.

Malapit na rin uma­nong mabuo ang kanilang senatorial slate na patu­loy na pinag-aaralan ng komite ng partido.

Nang tanungin naman si Bro. Eddie tungkol sa serye ng pambobomba sa Mindanao, inihayag nito na politika ang nasa likod nito at umano’y may kinalaman ang gob­ yerno.

Inihalimbawa nito ang Marcos administration na bago ideklara ng yu­maong pangulong Fer­dinand Marcos ang Martial Law ay ganito din ang naging senaryo.

Hindi umano kaila­ngan maging matalino ang mamamayan para mabasa ang senaryo na posibleng maulit.

vuukle comment

BISHOP LEO ALCONGA

EDDIE

EDDIE C

EL SHADDAI

GROUP OF PUBLICATIONS

JESUS IS LORD

MARTIAL LAW

MIKE VELARDE

PAMPANGA GOVERNOR ED PANLILIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with