MANILA, Philippines – Tinawanan lang ni Justice Secretary Agnes Devanadera ang mga balita na aalisin na siya sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Devanadera,noong Martes sa ginanap na Cabinet meeting ay wala namang nabanggit ang Pangulo na magkakaroon ng rigodon sa hanay ng Gabinete.
Hanggang kanina aniya ay tatlong beses siyang tinawagan ni Pangulong Arroyo ngunit wala naman itong nabanggit sa halip ay binati lamang siya at ang DOJ dahil sa pagkaka-convict sa operator ng Pasig shabu tiangge na si Amin Imam Boratong at asawa nitong si Sheryl Molera.
Sinabi pa nito na sakali man alisin na siya sa DOJ ay wala namang problema dahil ang Pangulo naman ang nagdedesisyon hinggil sa mga ganitong bagay.
Kung sa tingin aniya ng Pangulo ay mas magiging epektibo siya sa ibang gawain ay nakahanda siyang tanggapin ito.
Una ng napaulat na itatalaga ng Pangulo si Defense Sec. Gilbert Teodoro sa DOJ habang si dating Presidential Peace Adviser Gen. Hermoge nes Esperon ang papalit sa Defense. (Gemma Amargo-Garcia)