PNP nagbabahay-bahay vs loose firearms

MANILA, Philippines - Upang mapabilis ang ‘crackdown’ laban sa mga loose firearms sa bansa, inumpisahan na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang kani­lang house-to-house campaign sa pagsuyod sa mga gun-owner na hindi pa nakakapagpa-renew ng lisensya ng kani­lang mga baril.

Ayon kay PNP-Civil Security Group Chief, Director Ireneo Bacolod, ini­labas na sa mga Regional Director ang kautusan na simulan ang kampanya na naglalayong malipol ang naglipanang mga loose firearms.

Sa tala ng PNP, sa 500,000 unrenewed gun license ay nasa 40 por­syento ang nasa Metro Manila.

Ang kampanya ay bahagi ng ipatutupad na gun amnesty na sisimulan sa Hulyo 21 bilang pag­hahanda sa total gun ban para sa May 2010 elections

Una nang iniulat ng PNP na aabot sa 1.1 million ang loose firearms sa bansa na ang mayorya ay hindi nakapagrenew ng lisensya.

Magugunita na ma­agang inalerto ni PNP Chief Gen. Jesus Verzosa ang kapulisan na mag­latag ng security measures upang ngayon pa lamang ay mapigilan ang pagdanak ng dugo sa pagitan ng mga kampo ng magkakalabang mga kan­didato. (Joy Cantos)

Show comments