AH1N1 ordinaryong lagnat na lang

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Department of Health (DOH) ang inilabas na advisory ng World Health Organization (WHO) na ituturing na lamang pangkara­ni­wang lagnat ang AH1N1 influenza virus.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque,  nangangahulugan la­mang ito na hindi na ka­ilangang mag-update sa AH1N1 confirmed cases.

Hindi na rin umano required ang lahat ng bansa na mag-report sa WHO hinggil sa estado ng kanilang mga mama­mayan na tinamaan ng virus o kung ilan na ang mga nabiktima nito.

Binigyan-diin ni Du­que na bibigyan na lang ng gamot na Tamiflu ang may komplikasyon o ibang malubhang ka­ramdaman.

Bunsod nito, maiiwa­san na rin ang pagka-alarma ng publiko sa isyu ng AH1N1. (Doris Franche)

Show comments