LOS ANGELES - Pansamantalang kinuha ang utak ni Michael Jackson at itinago para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Dahil dito, wala ang utak sa bangkay ni Jackson nang dalhin ito sa Staple Center sa Los Angeles, California nitong Martes para sa ginanap na memorial service para sa pop star.
Sa inilabas na death certificate ni Jackson, walang nakatala kung ano ang kanyang ikinamatay bagaman na unang napaulat na inatake siya sa puso.
Sinabi ni Assistant Chief Coroner na si Ed Winter na tinitignan pa ng mga imbestigador ang utak ni Jackson.
Ayon kay Winter, ang buong utak ni Jackson o ilang bahagi nito ay hawak ng mga imbestigador.
Ibabalik anya ang utak sa pamilya ng singer para sa libing nito kapag nakum pleto na ang neuropathology tests dito.
“Kapag natapos na kami, ibabalik namin ang utak,” sabi ni Winter. “Maraming klaseng pagsusuri kasi ang kailangang gawin.”
Karaniwan na umano na kinukuha ang utak ng isang bangkay.
Kung minsan, ayon kay Winter, inaantala ng isang pamilya ang libing ng yumao nilang mahal sa buhay hang gang sa maibalik ang utak.
Pero sinabi ni Winter na wala siyang natatanggap na impormasyon sa inten syon ng pamilya ni Jackson.
“Ang huli kong balita, hin di pa nila ililibing ang bangkay,” sabi pa ng coroner. (AP)