P8-milyong 'Peking duck' nasabat ng PASG
MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P8 milyong halaga ng Peking duck at iba pang frozen seafood na mula sa China na tinangkang ipuslit sa North Harbor, Maynila.
Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang nasabing kargo ay lulan ng 20-footer con tainer van na tinangkang ilabas sa Manila International Container Port.
Ang nasabing kargamento ay walang kaukulang import permit mula sa Department of Agriculture.
Wika pa ni Villar, mabilis na natunugan ng PASG-Special Operations Group na ipupuslit ang kargamento sa pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling empleyado ng Bureau of Customs subalit nasabat ito sa Gothong Shipping Lines sa North Harbor. Nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng PASG at BOC dahil nais ng Customs employees na sila na ang ku mumpiska sa kargamento subalit tumanggi ang PASG.
Iniutos din ni Villar ang malalimang imbestigasyon upang matukoy ang sinasabing kasabwat ng mga smugglers mula sa BOC upang mailabas ang nasabing kargamento. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending