^

Bansa

Mga guro obligadong magserbisyo sa automated polls

-

MANILA, Philippines – Oobligahin pa rin ng Commission on Election ang mga guro sa bansa na magserbisyo bilang Board of election inspectors sa darating na 2010 election kahit automated na ang halalan.

Ayon kay Comelec spokesman James Jime­nez, sa ilalim ng batas ang mga guro ang dapat na magsilbi sa election kaya ito ay maituturing na mandatory.

Nilinaw ni Jimenez na hindi madedesisyunan ng Comelec ang bagay na ito at kinakailangan pa itong aprubahan ng kongreso. Ang pahayag ay ginawa ni Jimenez dahil na rin sa kahilingan ng mga guro na gawin na lang optional ang kanilang paninilbihan tu­wing election.

Una ng inirereklamo ng mga guro ang matagal na kanilang pagseser­ bisyo at pagkaantala ng kanilang suweldo tuwing eleksiyon.

Ngunit ipina­liwanag ni Ji­menez na dahil automated na ay isang araw na lang ang gagawing serbisyo ng mga ito kum­para noong manual election na tumata­gal sila ng 3-araw at hindi rin baba­wasan ang hazard pay ng mga ito.

Sa darating na Oktubre o Nobyermbre na sasa­nayin ang mga guro para maging BEI sa kauna-unahang automated election sa bansa. (Mer Layson)


AYON

COMELEC

ELECTION

JAMES JIME

JI

JIMENEZ

MER LAYSON

NGUNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with