Certificate of Candidacy ni Erap tatanggapin ng Comelec

MANILA, Philippines – Hindi maaaring tang­ gihan ng Commission on Elections ang ihahaing certificate of candidacy (COC) ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, sakali ngang tulu­yan na itong magdesisyon na muling pumalaot sa pulitika at sumabak sa presidential race sa taong 2010.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sar­miento, bahagi ng kanilang tungkulin na tanggapin ang lahat ng ihahaing COCs ng mga kandidato na nais na tumakbo sa eleksyon.

Ipinaliwanag pa ng Comelec official na nasa kamay na ng ilang grupo o indibidwal kung nais nilang tutulan ang kandidatura ng sinumang maghahain ng COC sa Comelec.

Sinabi ni Sarmiento na ilan lamang sa mga basic grounds para madiskwali­pika ang isang kandidato ay kung mapapatunayang hin­ di ito citizen dito sa Pilipinas at kung siya ay madedek­larang isang “nuisance candidate” o pang­gulong kan­didato. (Mer Layson)

Show comments