^

Bansa

6 patay, 56 sugatan: Sulu, Iligan binomba!

- Angie dela Cruz, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Anim katao ang na­sawi habang nasa 56 pa ang nasugatan sa magka­sunod na pambobomba sa harapan ng isang sim­bahang Katoliko sa Jolo, Sulu at sa pier ng Iligan City sa Lanao del Norte kahapon ng umaga.

Naitala ang insidente dakong alas-7:50 ng umaga sa bisinidad ng Mount Carmel Catholic Church sa Sanchez St., Jolo Proper matapos ang isang misa sa simbahan.

Ang bomba ay inila­gay sa isang nakapara­dang motorsiklo may 100 metro ang layo sa nasa­bing simbahan na yuma­nig rin sa Gotoling Hardware sa lugar.

Kabilang sa mga na­sawi sina Vicky Sia, 60 anyos, Hamsirani Hamsi at iba pa habang sa mga nasugatan ay kabilang ang tatlong pulis na tinukoy lamang sa mga apelyidong PO2 Ajibon, PO2 Sabdani at SPO1 Appang.

Apat pa sa mga bikti­ma ang binawian ng bu­hay habang isinusugod at nilalapatan ng lunas sa Sulu Provincial Hospital.

Aabot naman sa 40 katao ang naitalang suga­tan na patuloy na nilala­pa­tan ng lunas sa paga­mutan.

Sinabi ni Joint Task Force Comet Comman­der Major Gen. Juancho Sabban na may signature ng mga bandidong Abu Sayyaf ang sumabog na bomba na ginamitan ng 81MM mortar.

Isa namang hindi pa sumasabog na bomba ang narekober ng nagres­pondeng Scene of the Crime Operatives team na nakalagay sa isang karton sa bisinidad rin ng nasabing simbahan.

Samantala, 11 naman ang sugatan sa Iligan City.

Ayon kay Col. Benito de Leon, commander ng 104th Brigade ng Philippine Army, naganap ang pambobomba dakong alas-10:30 ng umaga sa bisinidad ng Exquisite Pawnshop sa Sabayle St. malapit sa pier.

Kabilang sa sugatan ang tatlong sundalo at walong sibilyan na isinu­god na sa Dr. Uy Hospital para malapatan ng lunas.

Batay sa imbestigas­yon, ang Improvised Explosive Device (IED) ay itinanim sa isang nakapa­radang mini cruiser ng military na sumabog may 300 metro ang layo mula sa pier.

Nitong Lunes, dala­wang pagsabog rin ang yumanig sa tower ng National Transmission Corp sa Upper Paiton sa bayan ng Kauswagan, Lanao del Norte.

Sa nasabing insidente ay nawasak ang istrak­tura at nawalan kuryente sa Abaga-Aurora.

PNP, AFP naka-full alert

Dahil sa mga pambo­bombang ito, itinaas na kahapon sa full alert status ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang pu­wersa nito sa Mindanao.

Inatasan na rn ni Social Welfare and Development Secretary Esperan­za Ca­bral si DSWD Region 12 Director Bai Zora­hayda Taha na tulungan ang mga bik­tima ng pag­sabog ng bom­ba sa Co­tabato City.

Nanawagan naman ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga nagsasa­gawa ng mga pagsabog na tigilan na ang mga ka­rahasan dahil maraming inosenteng sibil­yan ang nadadamay.

Ayon kay CBCP President at Jaro Archbishop Angel Lagdameo, maaari naman umanong dalhin ang kanilang hinaing o reklamo sa tamang lugar at pag-uusap.

Samantala, itinaas na ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority at Metro Rail Transit Authority ang kanilang “security alert” kasunod ng mga sunud-sunod na pambo­bomba sa Mindanao at mga narana­sang bomb threats sa Metro Manila kamakailan.

Sinabi ni ret. Col. Alejo An­dayan, hepe ng LRT Safety and Security Division, na nagdagdag na ng tauhan ang PNP at mga bomb sniffing dogs mata­pos ang sunud-sunod na pambo­bomba at alingas­ngas ng destabilisasyon sa pama­halaan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALEJO AN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR BAI ZORA

DR. UY HOSPITAL

ILIGAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with