Leakage sa biopsy ni GMA binusisi ng NBI
MANILA, Philippines - Binubusisi ngayon ng National Bureau of Investigation kung sino ang naglabas ng isyu sa pagpa-ospital ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Asian Hospital sa Muntinlupa na iniuugnay sa kaniyang kalusugan.
Ayon sa impormante, may nagtungo nang mga tauhan ng NBI-Anti-Fraud and Computer Crimes Division sa nasabing ospital at kumuha ng statement sa tatlong hospital personnel upang alamin ang source ng leakage na isa umanong paglabag sa code of conduct ng medical pratictioners na wala umanong pahintulot ng pasyente partikular ni Pangulong Arroyo sa isang breast procedure.
Una rito, itinanggi ng tagapagsalita ng Malakanyang na may problema si Pangulong Arroyo sa kaniyang dibdib kaya ipanasuri ito sa Asian Hospital.
Dahil dito, nagawang aminin ng Malakanyang na sumailalim ang Pangulo sa breast augmentation subalit noon pang nakalipas na 20 taon at walang kinalaman dito umano ang pagtungo sa nasabing ospital.
Una nang inihayag ni Press Secretary Cerge Remonde na nasa mabuting kondisyon ang kalusugan ang Pangulo at kinailangan lamang umano ng follow-up sa kaniyang pagpapa-check-up, kabilang ang biopsy dahil bago ito tumulak sa Japan, Brazil, Colombia at Hongkong ay isinagawa ang medical check-up. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending