Pinay inaresto sa Saudi

MANILA, Philippines - Inaresto sa Saudi Arabia ang isang Pinay matapos na akusahan sa kasong pagpaslang sa kanyang kapwa Pi­nay na may 20 taon na umano nitong kaibigan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nabatid na dinakip ng Alkhobar police ang di pinangala­nang Pinay matapos na matagpuan ng mga pulis ang bang­kay ng bik­tima sa kan­yang apartment noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga awto­ridad, nagkaroon umano nang mainitang pagta­talo ang magkaibigan sanhi upang kumuha ng patalim ang suspek at saksakin ng ilang ulit ang biktima.

Hindi rin naman pi­na­­ngalanan ng mga aw­to­ridad ang biktima, na may 20 taon na uma­nong ka­ibigan ng sus­pek.

Agad na naglunsad ng manhunt operation ang mga awtoridad la­ban sa suspek na Pinay, na nang maaresto ay umamin naman umano kaagad sa krimen.

Show comments