^

Bansa

AFP di nalagasan ng 500 tropa

-

MANILA, Philippines - Umpisa ng bumagsak ang peace talks, aabot sa 278 ang napaslang na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades, daan-daan pa ang nasugatan at 231 ang nagsisuko sa loob ng 10-buwang bakbakan sa Mindanao. 

Ito ang inireport ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay ng pagpapasubali sa umano’y kasinungalingan ng MILF renegades sa pagsasabing nasa 500 tropang gobyerno ang kanilang napatay.

Sinabi ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr. na hindi polisiya ng AFP ang itago ang kanilang mga namatay na sundalo dahil unang-una na ay hahanapin ang mga ito ng kanilang pamilya.

Ayon kay Brawner, wala ring katotohanan na nasa 78 tauhan ng Army ang napatay sa labanan noong Agosto 23 kung saan ay nasa 40 MILF ang nautas ng mga sundalo maliban pa sa dose-dosenang sugatan habang isa lamang sundalo ang pinagla­mayan sa nasabing opensiba.

Samantalang nakubkob naman ang main camp ng MILF sa Brgy. Daliao, Maasim, Sarangani, Camp Khalid sa Brgy. Walid ng lalawigan habang naka­samsam rin ng mga armas at bala.Wala namang na­iulat na nasugatan at napatay sa panig ng militar.

Sa kabila nito, ikinatuwa naman ng AFP ang pag-amin mismo ng MILF na hindi nila kayang talunin sa bakbakan ang tropa ng mga sundalo. (Joy Cantos)

AGOSTO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BRGY

CAMP KHALID

DALIAO

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF LT

ROMEO BRAWNER JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with