^

Bansa

PGMA walang seryosong sakit

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Matapos ang paglili­naw ng Malacañang na hindi totoong nagpaayos ng kanyang breast implants si Pangulong Glo­ria Arroyo, muling sinigu­rado kahapon ni Presidential Deputy Spokesperson Lorelei Fajardo na walang seryosong sakit ang Pangulo.

Ayon kay Fajardo, da­pat nang isantabi ang mga ispekulasyon na posibleng maapektuhan ang trabaho ng Pangulo kung ipagpa­patuloy ang pagtatago sa totoong sakit nito.

Maliwanag naman aniya sa ipinalabas na medical bulletin ng gynecologist ng Pangulo na negatibo o benign ang resulta sa isinagawang biopsy sa bukol sa kan­yang suso at singit.

Niliwanag pa ni Fa­jardo na isinabay lamang ng Pangulo sa ginawang quarantine matapos bu­malik galing sa ibang bansa ang pagpapa-biopsy sa lumps sa kan­yang suso at singit na nadis­kubre nang suma­ilalim siya sa routine tests bago umalis patu­ ngong Japan noong Hunyo 17.

Matapos itanggi na may breast implant ang Pangulo na inilagay uma­no noong 80’s inamin na rin kamakalawa ng Mala­cañang na katulad ng mga sikat na artista, may breast implants ang Pa­ngulo pero wala umano itong kaugnayan sa kan­yang pagkaka-confine sa ospital kundi nagpa-quarantine lamang.

Nauna rito, ipinag­tang­gol na rin ng ilang opisyal ng Malacañang ang Pa­ngulo matapos kumpirma­hin na mayroon itong breast implant.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, bagaman at matatag na babae ang Pangulo, ba­bae pa rin ito.

Nilinaw na rin nina Re­monde na hindi suma­ilalim sa anumang ope­ras­yon ang Pangulo ha­bang nasa Asian Hospital.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL

AYON

FAJARDO

MALACA

MATAPOS

PANGULO

PANGULONG GLO

PRESIDENTIAL DEPUTY SPOKESPERSON LORELEI FAJARDO

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with