Mano-manong bilangan ok lang
MANILA, Philippines - Naniniwala si Joey de Venecia III na maaari pa rin namang asahan na magiging tapat at malinis ang magiging resulta ng halalan kahit maging mano-mano pa ang paraan ng bilangan.
Ani Joey, hangga’t may natitira pang tiwala ang publiko sa integridad ng Comelec, hindi na aniya kailangan pang ma ngamba ng mamamayan sa magiging resulta nito.
Kailangan lamang anyang maging alerto ang publiko sa posibleng malawakang dayaan tulad na lamang ng naganap noong 2004, kung saan hanggang sa kasalukuyan ay maraming tao pa rin ang naniniwala na ang tunay na nagwagi sa halalang pampanguluhan ay ang yumaong si Fernando Poe, Jr., at hindi si Gloria Arroyo. Patunay pa aniya ang paglabas ng ‘Hello Garci’ tapes na nagpapatibay lamang na may naganap na dayaan nang panahong iyon.
Sinabi pa ni Joey na ang pagkansela ng dalawang kumpanya sa napagkasunduang partnership ay hindi nangangahulugang kailangang isantabi ang halalan sa susunod na taon. Kailangan aniyang matuloy pa rin ang eleksyon, anuman ang mangyari. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending