GMA lumabas na sa ospital

MANILA, Philippines – Nakalabas na sa pagamutan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon matapos ang kanyang self-quarantine sa Asian Hospital. Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, bandang alas-2:00 ng hapon kahapon nang lumabas si Pangu­long Arroyo makaraang bigyan ito ng clean bill of health at suriin ng mga manggagamot. Nagpa-self-quarantine ang Pa­ngulo pagkagaling niya sa Japan, Colombia, Brazil at Hong Kong bilang pag-iingat laban sa influenza AH1N1 virus. (Rudy Andal)


Show comments