7 lalawigan, election hotspot
MANILA, Philippines – Irerekomenda ng Philippine National Police sa Commission on Elections na ideklarang hot spot sa eleksyon sa Mayo 2010 ang pitong lalawigan sa bansa.
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa kaugnay ng maagang paghahanda ng pulisya upang maiwasan ang pagdanak ng dugo sa darating na halalan.
Kabilang sa mga lalawigang ito ang Masbate, Nueva Ecija, Abra, Sulu, Maguindanao, Lanao del Norte at Lanao del Sur.
Sinabi ni Verzosa na kanilang tinitingnan ang matinding labanan sa pulitika ng mga kandidato, presensiya ng mga armadong grupo at ang mga karahasan na naitala sa mga nakaraang halalan.
Gayunman, maaaring dagdagan ng PNP ang listahan ng mga election hot spot. Baka isama ang Bulacan at Bataan dahil sa mga armed goons ng ilang pulitiko rito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending