^

Bansa

Belo doctor kinasuhan

-

MANILA, Philippines – Isinampa na ng prosecutor’s office sa Makati City Metropolitan Trial Court ang kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries laban sa isang duktor ng Belo Medical Group na si Dr. Jennifer Roslyn Sison de Leon dahil sa umano’y pagsira niya sa mukha ng isang nurse na si Leila Palaganas. 

Inabsuwelto naman ng Makati prosecutors ang may-ari ng klinika na si Dr. Vicki Belo dahil sa kawalan ng ebidensya na sangkot ito sa pagsira sa mukha ni Palaganas.

Inireklamo ni Palaganas na ginawan siya ni De Leon ng maling thermage procedure na naging dahilan ng pagkasira ng kanyang mukha kahit hindi naman lisensyado ang naturang doktor para magsagawa ng naturang klase ng operasyon.

Gayunman, nilinaw ng piskalya na maaaring masampahan pa rin si Belo o ang Belo Medical Group ng kasong sibil na isang paraan upang makahingi ng danyos si Palaganas. (Rose Tamayo-Tesoro)

BELO

BELO MEDICAL GROUP

DE LEON

DR. JENNIFER ROSLYN SISON

DR. VICKI BELO

GAYUNMAN

INABSUWELTO

LEILA PALAGANAS

MAKATI CITY METROPOLITAN TRIAL COURT

PALAGANAS

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with