PMA Class '78 'namumulitika' - Class '77

MANILA, Philippines – Inupakan ng mga de­moralisadong miyembro ng Philippine Military Academy Class ’77 ang Class ’78 sa pagla-lobby para sa mga ‘juicy posts’ sa pulisya at militar ka­sabay ng panawa­ gan sa kanilang mga “mis­tah” na huwag hayaan ang sarili na magamit sa partisan politics.

Isang ranking military official na kabilang sa Class ’77 ang nag-akusa sa Class ’78 ng “pamu­mulitika sa AFP at PNP.”

Anang opisyal na tu­mangging magpabanggit ng pangalan, sinisira uma­no ng Class ’78 ang mga tradisyon sa PMA at lu­milikha ng kaguluhan sa hierarchies ng pulisya at militar.

“Our police and military institutions have become politicized. Class 78 has overstepped the bounda­ries. They occupy all key posts now. Are they not satisfied yet?” anila.

Kabilang sa mga kila­lang miyembro ng Class 77 sina Gen. Pete Tango, Perfecto Palad, Angel Sunglao at Raul Bacalzo.

Pinasinungalingan naman ng mga miyembro ng Class 77 ang kanilang pagkakasangkot sa tina­guriang Oplan August Moon subalit nagwikang “napilitan silang magsalita dahil karapatan nila na sila ay marinig”

“We should not be loyal to one person but to flag and country. That is our sworn duty,” anang military officer na umaak­tong taga­ pagsalita ng Class 77.

Si Army Commander Delfin Bangit na napipisil bilang susunod na military chief ang pinaka-kontro­bersiyal na miyembro ng Class 78. Si Brig. Gen. Ro­meo Prestoza ang sinasabi namang ‘top military spy’

Sa PNP, si Chief Supt. Leon Nilo dela Cruz ang commander para sa Central Luzon, Director Lani O Nerez ang Central Vi­sayas police director at Mimaropa Director Louie Palmera. (Butch Quejada)


Show comments