MANILA, Philippines – Nadoble ang bilang ng huling napaulat na kaso ng AH1N1 sa bansa sa pag-akyat sa bilang na 1,709.
Ito’y dahil sa bagong 848 na kumpirmadong apektado ng AH1N1 makalipas ang ilang araw bukod pa sa sa naitala noong Biyernes na 861 kaso.
Agad namang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na hindi pa rin ito dapat ikabahala ng publiko dahil nasa 86 porsyento nito o 1,485 ang magaling na.
Nangangahulugang nasa 224 na pasyente na lamang o 14 porsyento ang nilulunasan sa kasalukuyan at ang ilan sa kanila ay nasa tahanan lamang ginagamot. (Ludy Bermudo)