Mancao state witness na - DOJ

MANILA, Philippines – Itinuturing na ng pa­ma­halaan na state witness si dating Police Senior Supt. Cezar Mancao II sa Dacer-Corbito dou­ble murder case.

Ito ay matapos na ap­ru­bahan ng Department of Justice (DOJ) ang apli­kasyon ni Mancao na ma­isailalim siya sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno.

Ayon kay Justice Secretary Agnes De­vana­ dera, nakapasa sa mga cri­te­ria para sa WPP si Mancao kabilang na dito ang kahalagahan ng mga ibubulgar nitong tes­timonya kaugnay sa kaso nang pagdukot at pagpa­tay sa dating PR man na si Salvador “Bubby” Da­cer at driver nitong si Ma­nuel Corbito noong Nob­yembre 2000.

Dahil dito kayat nata­pos na rin ang isyu sa pananatili nito sa kusto­diya ng National Bureau of Investigation (NBI) at hindi sa detention cell ng Manila City Jail (MCJ).

Ayon kay Devana­dera, hindi maaaring ilipat si Mancao sa MCJ, tulad ng kahilingan ni Atty. Dante David, na abogado ng iba pang akusado sa krimen, dahil hindi umano ordinaryo ang banta sa buhay nito.

Magugunita na nag­hain ng mosyon si David sa sala ni Manila Regional Trial Court branch 18 Judge Myra Garcia-Fernandez upang hilingin na mailipat si Mancao sa MCJ at tratuhin bilang ordinaryong “inmate”.

Nilinaw nito na hindi pa testigo ng pamahalaan si Mancao  kaya tulad ng ibang kapwa akusado nito sa krimen ay dapat na sa MCJ din ito ikulong.

Kaugnay nito, naghain na ng not guilty plea si Man­cao sa sala ni Manila Regional Trial Court Judge Myra Garcia-Fernandez bilang akusado sa Dacer-Corbito double murder case.

Itinakda ang pre-trial sa darating na Agosto 13, alas-2 ng hapon. (Gemma Amargo-Garcia/Ludy Bermudo)


Show comments