Mga bangkay sa 'Princess' huhukayin

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Independent Forensic Group (IFG) sa paghukay sa mga hindi pa nakikilalang bang­ kay na mga biktima ng lumu­bog na MV Princess of the Stars.

Ito ay makaraang kati­gan ni Cebu Regional Trial Court Branch 10 Judge Soliver Peras ang isinumi­teng “Ex-Parte Motion for Exhumation” ng Public Attorney’s Office (PAO) na humihiling na mapahintu­lutang mahukay ang mga bangkay dahil na rin sa kahilingan ng mga kamag-anak ng mga biktima.

Binigyan ng 3-araw ng Korte ang IFG para mag­sumite ng kanilang plano hinggil sa kanilang gaga­wing paghuhukay o “plan of exhumation and identification” at kung gaano katagal gagawin iyon.

Samantala, sinabi ni PAO Chief Per­sida Rueda-Acosta, maging ang labi ng kapitan ng barko na si Capt. Florencio Mari­mon ay kasama rin na hu­hu­kayin ngunit hindi muna nila pagbibigyan ng pana­hon ang bangkay nito bag­kus ay ang mga labi muna ng mga kaanak ng 40 bik­tima.

May mga lumalabas kasi umanong ulat na hindi ang na­turang kapitan ang una ng nailibing dahil wala na­man umanong nag­haha­nap na kaanak dito. (Gemma Garcia)


Show comments