Misa di kakanselahin
June 30, 2009 | 12:00am
MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi nila kinakansela ang mga banal na misa kaugnay ng kumakalat na sakit na influenza AH1N1 virus.
Pinabulaanan ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs Chairman Bishop Deogracias Iniguez na may ipinalabas silang kautusan.
Idiniin niya na pinapayuhan lamang nila ang mamamayan na huwag na munang dumalo sa mga Banal na Misa kung may karamdaman o nakakaramdam ng mga flu-like symptoms. (Mer Layson)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest