^

Bansa

Kaso ng dinukot na Fil-Am activist haharapin ng government

-

MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ni Press Secretary Cerge Remonde na nakahanda ang pamahalaan at ma­ging ang Armed Forces of the Philippins na harapin ang imbestigasyon sa kaso ng Filipino-American activist na si Melissa Roxas na dinukot at pi­nahirapan umano ng mga sundalo sa La Paz, Tarlac noong Mayo.

“Nakahanda ang pa­mahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang. Uma­asa lang kami na hindi ito gagamitin sa propaganda,” sabi pa ni Re­monde.

Si Roxas na isang opisyal ng militanteng grupong Bagong Alyan­sang Makabayan na na­kabase sa Amerika ay dinukot umano ng militar habang nagsasagawa ng medical mission ang kan­yang grupo sa La Paz.

Samantala, binalaan ng Court of Appeals si Roxas na ibibimbin na lang ang kanyang petition for writ of amparo kapag nabigo siyang humarap sa pagdinig ng korte sa Hulyo 24. (Rudy Andal at Gemma Amargo-Garcia)

AMERIKA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINS

BAGONG ALYAN

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO-GARCIA

LA PAZ

MELISSA ROXAS

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

RUDY ANDAL

SHY

SI ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with