^

Bansa

Presidential candidates dapat 3 lang - PPCRV

-

MANILA, Philippines - Dapat umanong limita­han lang sa tatlo ang mga presidential candidates sa nalalapit na 2010 national and local elections upang maging mas madali para sa publiko ang makapamili ng karapat-dapat na kandi­dato na iluluklok bilang pa­ngulo ng Pilipinas.

Ayon sa poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), kung kaunti ang bilang ng mga tatakbo sa pagka-Pangulo, mas ma­taas ang tsansang maka­paghalal ng nararapat na kandidato.

Ayon kay Chairperson Henrietta de Villa, sa pa­mamagitan aniya nito, mas magiging madali sa publiko na kilatisin ang kanilang mga plataporma sa Gob­yerno at maiiwasan din umano ang pagkalito ng mga botante.

Dahil dito, umaasa si de Villa na totoo ang mga na­pabalitang ilan sa mga ma­ugong na tatakbo sa pagka-Pangulo ay magde­desisyon nang magback-out.

Nagtataka si de Villa kung bakit marami ang nais na kumandidato sa pagka-Pangulo ng bansa gayong ito ang pinaka­magastos na takbuhing posisyon sa kasagsagan ng kampanya.

Mahirap din aniya na maging independent candidate kung ang pagka-Pa­ngulo ang tatakbuhin dahil sa laki ng kailangang ilabas na pera. (Mer Layson)

vuukle comment

AYON

CHAIRPERSON HENRIETTA

DAHIL

DAPAT

MAHIRAP

MER LAYSON

PANGULO

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with