^

Bansa

'Food for School' ng DepEd giit ituloy

-

MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ng isang bagong grupo na ku­ ma­katawan sa mga mag-aaral sa pampubli­kong paaralan ang lahat ng estudyante na makiisa sa kanilang “signature campaign” upang igiit sa Department of Education (DepEd) na muling buhayin ang “Food For School Program” makaraang kansela­hin ito ni Secretary Jesli La­pus.

Sinabi ni Rene Hernan­dez, tagapangulo ng Karapatan at Kinabukasan ng mga Kabataan (KKK), na ang mga batang mag-aaral na nagugutom ang labis na naapek­tu­han ng kanselasyon ng programa dahil sa paninira umano sa DepEd ng natalong bidder para sa suplay ng noodles na naghayag sa media na nagkaroon ng “overpricing” at dayaan sa bidding.

Matatandaan na unang lumutang sa media ang kina­tawan ng Kolonwel Trading na nagreklamo ng “overpricing” sa ipapakain sanang noodles ng DepEd sa mga mahihirap at nagu­gutom na mag-aaral hang­gang sa magsampa rin kamakailan ng kasong graft sa Office of the Ombudsman laban kay Lapus at sa pamunuan ng nanalong bidder na Jeverps Manufacturing Corporation.

Dahil sa kontrobersya, kinansela na ni Lapus ang “Food Feeding Program” kung saan nakikinabang ang daan-libong mahihirap na mag-aaral. 

Iginiit naman ng KKK na hindi naman si Lapus ang apektado ng kanselasyon ng programang pagpapa­kain kundi ang mga batang nagugutom na nahihira­pang mag-aral ng maayos kapag walang laman ang tiyan lalo na sa mga mahi­hirap na probinsya at slum areas.

Dahil dito, hinikayat nito ang lahat ng mag-aaral at mga magulang na magpa­dala ng kanilang pagsu­porta at ilagay ang kanilang pangalan sa kanilang “signature campaign” sa pama­magitan ng e-mail sa: [email protected] (Danilo Garcia)

DAHIL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

FOOD FEEDING PROGRAM

FOOD FOR SCHOOL PROGRAM

JEVERPS MANUFACTURING CORPORATION

KOLONWEL TRADING

LAPUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with