^

Bansa

FG pinatatakbong senador

-

MANILA, Philippines - Hinamon ng Movement of the Youth for Empowerment Reform, Advocacy and Progress (MyErap) si First Gentleman Mike Arroyo na siya ang tumakbo sa 2010 senatorial race sa halip na si Pangulong Glo­ria Macapagal Arroyo ang lumaban sa pagka-kongre­sista ng ika-2 distrito ng Pampanga.

Sa pahayag ni Jinno Jaralve, tagapagsalita ng MyErap, sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan ka­hapon, dapat ay tumu­lad na lamang si Pang. Arroyo sa mga nakalipas na dating pangulo, na ang pina­takbo ay mga anak at ma­hal sa buhay.

Sa halip umanong itu­loy ang ambisyon na ma­pa­lawig ang pananatili sa pwesto ni Pang. Arroyo, sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Konstitus­yon, dapat umanong ien­dorso na lamang si FG para malaman kung ano ang sentemyento ng pub­liko sa kanilang pamilya.

Magiging barometro umano ito kung pinagka­katiwalaan pa ang Pa­ngulo tulad ng mga naka­lipas na political family partikular sina Imee at Bongbong Marcos, na mga anak ni dating Pang. Ferdinand Marcos at Jinggoy Estrada at Loi Ejercito, na anak at asa­wa ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Samantala, sinabi rin ni Toots Ople, founder ng Facebook Anti-Con Ass Campaign at Goodbye Glo­ria Campaign, magbu­bukas pa sila ng blog site para sa kampanya. Sa kasalu­kuyan, mayroon na uma­nong nakalap na 100,000 signatures kontra Con-Ass.

“Ilalagay pa namin ang mga litrato ng lahat ng Congressman na lumag­ da sa House resolution 1109 para makapagbigay ng komento at ng kanilang saloobin ang publiko, at malamang na lumabas din sa kalsada ang mga signatories na ito sa san­daling aprubahan ang Con-Ass,” ani Ople. (Ludy Bermudo)

ADVOCACY AND PROGRESS

BONGBONG MARCOS

CON-ASS

EMPOWERMENT REFORM

FACEBOOK ANTI-CON ASS CAMPAIGN

FERDINAND MARCOS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GOODBYE GLO

JINGGOY ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with