MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na paglunsad ng produktong Pangasius (Cream Dory), ang Vitarich ay pumasok na sa commercial food production, partikular sa mga fish-based meat-flavored products. Upang maakit ang mapanuring panlasa ng Pinoy, swak na pinagsama ng Vitarich ang Dory fish meat at mga patok na pagkaing Pinoy tulad ng tocino, longganisa (may 2 flavors: bawang (garlic) at sweet and spicy), lumpiang shanghai, franks (may 2 flavors: original at may keso/cheese) at nuggets.
“Kami sa Vitarich ay excited sa pag-explore ng malaking potensyal ng karneng Dory dahil madali itong paramihin at isa itong masustansyang alternatibo kontra sa red at white meat na nakukuha sa mga baka (cattle) at iba pang alagang hayop (livestock),” mungkahi ni Vitarich Chairman Rogelio Sarmiento.
Ang mga bagong “meaty” fish products mula sa Vitarich ay nagbibigay ng masarap at masustansyang pantapat sa mga karaniwang karneng ulam. Nilalayon nitong busugin ang pagtakam ng mga mamimili sa mga produktong karne, ngunit may pagmamalaking naipakilala ang isang bagong lifestyle sa pag-enjoy ng di mabilang na mga benepisyong pangkalusugan mula sa pagkain ng isda.
Kilala ang isdang Cream Dory sa buong mundo dahil sa malasa nitong white at creamy meat at dahil maaari itong gamitin sa ibat-ibang putahe ng isda.
Ang mga bagong produkto ay mabibili na, maaari kayong mag-email sa iuc@2009.vitarich.com o tumawag sa mga numerong (02) 8433033 loc 124.